Inimungkahi ni Senate Committee on Higher Education Chairman Joel Villanueva na magkaisa ang tatlong mga ahensya ng pamahalaan na may kinalaman sa edukasyon.
Ayon kay villanueva, ito’y para matugunan ang krisis na nararanasan ngayon sa sektor ng edukasyon sa bansa dahil sa nararanasang pandemiya ng COVID-19.
Binigyang diin ng senador, kailangang magtulungan ang Department of Education (DEPED), Commission on Higher Education (CHED) at Technical Skills Development Authority (TESDA) sa ilalim ng trifocalized setup.
Sa ilalim nito, sinabi ni Villanueva na kikilos ang mga nabanggit na ahensya ng pamahalaan sa iisang sistema ng edukasyon sa halip na kaniya-kaniya.
Dahil tila nadaragdagan na ang pasanin ng CHED sa mga mandato nito, hiniling ni Villanueva na napapanahon na para repasuhin at amiyendahan ang charter nito.