Pinaaaresto ng Quezon City Metropolitan Trial Court branch 138 si dating Senador Antonio Trillanes IV at siyam na iba pa.
Kaugnay ito sa kasong conspiracy to commit sedition na isinampa ng Department of Justice (DOJ) matapos mabunyag ang Bikoy ang totoong narcolist video kung saan nakasaad umano ang planong pagpapabagsak sa gobyernong Duterte.
Bukod kay Trillanes ipinaaaresto rin ng korte sina Peter Joemel Advincula alias Bikoy, dating Police Senior Supt Eduardo Acierto, Joel Saracho, Boom Enriquez, Yolanda Ong, Vicente Romano III, Father Albert Alejo, Father Flaviano Villanueva at Jomel Sanggalang.
Nag rekomenda ang Korte ng P10,000 piyansa para sa pansamatalang kalayaan ni Trillanes at siyam na iba pa. — ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)