Muntik nang magsuntukan sa Session Hall ng Senado sina Senador Antonio Trillanes IV at Senador Juan Miguel Zubiri.
Ito’y makaraang tawagin ni Trillanes si Zubiri na cheater at binanggit pa ang umano’y pandaraya ni Zubiri noong 2007 Senatorial Elections.
Matatandaang nagbitiw noon bilang senador si Zubiri at naupo sa pwesto si Senador Aquilino “Koko” Pimentel.
Pinabulaanan naman ni Zubiri ang alegasyong pandaraya, pero inaming ibang tao ang nandaya para kanya.
Binalikan din nito si Trillanes na nakasuhan pa ito ng rebelyon dahil sa sumablay na kudeta laban kay Dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Nag-ugat ang iringan ng dalawang senador makaraang ireklamo ni Zubiri na dapat ay ang Senate Blue Ribbon Committee ang mag-imbestiga sa Bribery Scandal na kinasasangkutan ng ilang dati at kasalukuyang opisyal ng Bureau of Immigration o BI.
Nagkaayos sina Trillanes at Zubiri matapos ang isang oras na closed door meeting.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno