Bigo si Senador Antonio Trillanes sa hirit na ibasura ang kasong rebelyon na nakasampa sa Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 150.
Ayon kay Branch 150 Clerk of Court Diosfa Valencia, hindi nakumbinsi ni Trillanes si Judge Elmo Alameda na nakapaghain ng amnesty application ang senador.
Nakasaad sa desisyon na bigo si Trillanes na ipakita ang mga hawak na dokumento na naghain siya ng aplikasyon para sa kasong rebelyon.
Binigyang diin din ng korte na mananatili ang bisa ng Proclamation No. 75 ng Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ipinapawalang bisa ang amnestya na ibinigay ng dating Pangulong Noynoy Aquino kay Trillanes.
Ang nasabing desisyon ay ginawa ni Alameda nuon pang December 18 subalit kahapon lamang isinapubliko ng naturang korte.