Ibinasura ng korte suprema ang hiling na temporary restraining order o TRO ni Senador Antonio Trillanes IV laban sa Proclamation Number 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapawalang bisa sa amnestiya ng senador.
Ayon sa tagapagsalita ng Korte Suprema na si Atty. Victoria Gleoresty Guerra, ipinauubaya na ng Kataas-taasang Hukuman sa Makati Regional Trial Court ang pagresolba sa usapin dahil nagsampa naman na ng mosyon ang Department of Justice o DOJ sa mababang hukuman hinggil sa usapin.
Maliban dito, kinikilala rin ng Korte suprema ang pahayag ni Pangulong Duterte na susundin ang rule of law at hindi dadakpin si Trillanes hanggat walang warrant of arrest mula sa korte.
—-