Inalmahan at binatikos ni Senador Antonio Trillanes IV ang mga pahayag ng mga kaalyado ng Pangulong Rodrigo Duterte na walang mangyayari at mababasura lamang ang isinampang reklamo sa ICC o International Criminal Court laban sa Pangulo.
Sinabi ni Trillanes na kung magsalita at mag-komentaryo ang mga nasabing kaalyado ng Pangulo ay parang nabasa na ng mga ito ang nilalaman ng impormasyon o kaso na isinampa ni Atty. Jude Sabio at tila batid na rin aniya ng mga ito ang magiging aksyon ng ICC.
Ayon kay Trillanes, nakakalimutan ng mga kaalyado ng Pangulo na libu-libo ang napapatay sa bansa at wala ni isa man sa mga responsable ang napapanagot dito.
Masama pa aniya rito ay binabalewala nila ang policy of killings na pinu-promote mismo ng Pangulong Duterte.
Gayunman naniniwala si Trillanes na sa bandang huli ay hindi pakikinggan ng ICC ang mga sinasabi ng mga kaalyado ng Pangulo sa halip ay gagawin nito ang dapat na maging aksyon sa kaso.
By Judith Larino | with report from Cely Bueno (Patrol 19)
Huwag pakasiguro na mababasura ang kaso vs. Duterte sa ICC—Trillanes was last modified: April 26th, 2017 by DWIZ 882