Panahon na para disiplinahin si Senador Atonio Trillanes IV…
Ito ang iginiit ni Senador Richard Gordon kaugnay ng pagsasampa ng ethics complaint laban sa kapwa niya senador.
Binigyang diin ni Gordon na reputasyon na ng senado ang nakataya sa mga paratang ni Trillanes.
Matatandaang tinawag ni Trillanes na komite de abswelto ang senate blue ribbon committee at inakusahan din nito sina Senador Richard Gordon at Senador Tito Sotto na nag-aabogado kina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Manases Carpio sa isyu ng smuggling sa BOC o Bureau of Customs.
’Yan ang hinahanap ko sa senado dapat ‘yung collective embrace na hindi natin papayagan ang isang taong wala sa lugar na gagawa na lang ng gusto niya na hindi siya masusuwito dahil pagkaganon ang mangyayari, we will be reduced to a chamber na walang ibang ginawa kundi maghasik ng kasinungalingan.
Hindi na kagalang-galang ang senado, kaya nga tinatawag na ‘honorable’.
Sinabi ni Gordon na kung lalabas na may nilabag si Trillanes ay posible aniya itong masusupinde.
Sa huli, may patutsada pa si Gordon laban kay Trillanes.
Malaki ang utang na loob niya kay President Aquino eh, inabsolve na siya kahit na malaki ang kasalanan niya.
Sa ibang bansa binabaril ‘yan ng firing squad diba?