Muling umapela sina Senador Antonio Trillanes IV at Senadora Leila De Lima Sa Korte Suprema na ibasura ang quo warranto petition na inihain ng Office of the Solicitor General o OSG laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Nakasaad sa inihaing manipestasyon nina Trillanes at De Lima na hindi dapat ang Korte Suprema ang maglitis kay Sereno dahil lalabagin ng mga ito ang naka-disenyo sa konstitusyon.
Giit ni Trillanes, ang Senado na tatayong impeachment court ang dapat na magsabi kung “guilty” o “not guilty” ang Punong Mahistrado sa mga akusasyon na ibinabato sa kanya gaya ng di paghahain ng Statements of Assets, Liabilities and Net worth o SALN.
Una rito, sinabi ng Korte Suprema na nakatakda na nilang desisyunan ang quo warranto petition laban kay Sereno sa susunod na buwan.
—-