Hinamon ni Senador Antonio Trillanes IV si Solicitor General Jose Calida na sampahan siya ng kaso.
Batay ito sa banta ni Calida na posibleng makasuhan si Trillanes dahil sa pagkakanlong sa mga umano’y miyembro ng Davao Death Squad members na sina Edgar Matobato at dating SPO3 Arthur Lascañas.
Iginiit ni Trillanes na maaari siyang takutin ng gobyerno hanggat sa gusto nila.
Pero nanindigan si Trillanes na hindi siya mapipigilan ng administrasyon na isiwalat ang mga katotohanan laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
By Ralph Obina | Report from Cely Bueno (Patrol 19)