Kumporme si Senador Antonio Trillanes sa pagharap ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go sa isasagawang pagdinig ng Senate Committee on Defense sa darating na lunes.
Ito’y para imbestigahan ang pagbili ng mga barkong pandigma ng AFP o Armed Forces of the Philippines para sa Philippine Navy kung saan isinasangkot dito si Go na naki-alam umano sa kontrata.
Para kay Trillanes, mabuting dumalo si Go sa nasabing pagdinig upang magbigay linaw sa usapin subalit hindi siya naniniwalang may kinalaman ito sa naturang kontrata.
“Personally, naniniwala ako na si Bong Go ay walang kinalaman pero hindi dahil sa malinis siya kundi dahil hindi gumagalaw yan ng walang utos ni Duterte. In short, kung talagang nakialam si Bong Go, hindi yan dahil may interes si Bong Go kungi may interes si Duterte. Sakin, whether nandoon si Sec. Bong Go o wala, tututukan naming yung dapat tutukan. So kung mapapadpad papunta sa kanya, eh di maganda na nandoon na siya pero kung hindi rin, eh di wala namang use.”
(From Usapang Senado interview)