Nahaharap sa kasong conspiracy to commit sedition si Senador Antonio Trillanes at syam na iba pa.
Ang kaso na isinampa ng Department of Justice (DOJ) sa Quezon City Metropolitan Trial Court ay nag-ugat sa pagkalat ng video na “Ang Totoong Narcolist”.
Sa naturang video, inakusahan ni Peter Advincula alyas “Bikoy” ang pamilya ng Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot di umano sa illegal drugs.
Batay sa isinampang kaso ng DOJ, nagsabwatan ang mga akusado para ipakalat ang mga malisyoso at walang basehang video recordings.
Kasama rin sa mga kinasuhan si Peter Advincula na syang lumabas sa video nang naka-hood; Jesuit priest Fr. Albert Aljejo na sya umanong umayos sa production sa Jesuit communication building sa Ateneo De Manila University; at Joel Sarcho na sya umanong narrator sa video.