Gagamitin ni Senador Antonio Trillanes IV ang mga isinampang kaso laban sa kanya ng grupo ng mga abogado bilang pagkakataon na maisiwalat ang mga dokumento kaugnay ng tagong yaman ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Trillanes, hindi maituturing na isang uri ng sedisyon ang kanyang inihayag dahil mismong si Pangulong Duterte ang nagsabing handang itong magpabaril oras na mapatunayang sobra sa 40 milyong pisong ang savings nito.
Iginiit pa ni Trillanes na nakasaad sa konstitusyon na hindi maaaring gamiting ebidensiya o batayan sa kaso ang privilege speech ng isang mambabatas.
Matatandaang nag-ugat ang isinampang inciting to sedition case laban kay Trillanes sa privilege speech nito kung saan kayang sinabi na kukulangin ang isang magasin ng M-60 kay Pangulong Duterte dahil bilyon-bilyon ang tagong yaman nito.
—-