Muling hinamon ni Senador Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte na ilabas ang kanyang health records.
Ayon kay Trillanes, ito ay dahil tila malubha na ang karamdaman ng pangulo at hindi na maayos ang pag-iisip nito.
Kasunod ito ng naging pahayag ni Pangulong Duterte na may sabwatan sa pagitan ng Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA), Magdalo Party-list group at iba pang oposisyong grupo para mapatalsik siya sa pwesto.
Iginiit ng senador, simula nang makalabas sa piitan ang mga miyembro ng Magdalo group, mahigpit nilang tinupad ang mga tungkulin bilang miyembro ng Kongreso at patuloy na naging tapat sa konstitusyon.
Patutsada pa ni Trillanes, delikado ang bansa sa pamumuno ng katulad ng pangulo na hindi na aniya maayos ang pag-iisip.