Hindi nababahala si Senador Antonio Trillanes sa ulat na pinag-aaralan na ng Malakanyang ang mga kasong maaaring isampa laban sa kanya.
Ayon kay Trillanes, hindi siya natitinag o natatakot sa binabalak ng administrasyon laban sa kanya.
Sa halip ay hinamon ng senador ang Palasyo na sampahan siya ng kaso.
Nanindigan din ang mambabatas na hindi niya aatrasan ang anumang kaso na maaaring ikasa ng gobyerno laban sa kanya.
Trillanes pina-iimbestigahan sa senado ang kasunduan umano ni Pangulong Duterte at ng China
Pina-iimbestigahan na ni Senador Antonio Trillanes sa Senate Committee on National Defense and Security at iba pang kumite sa kasunduan umano sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng China na nagpahintulot sa mga Chinese ship na magsagawa ng surveillance sa Benham Rise.
Ayon kay Trillanes, nakababahala ang naturang kasunduan sakaling totoo ito dahil bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas ang Benham na malayo naman sa West Philippine Sea.
Mahalaga anyang magsulong ng batas upang maitaguyod ang territorial integrity ng Pilipinas at ipaglaban ang soberanya ng bansa sa nasabing karagatan.
PAKINGGAN: Tinig ni Senador Antonio Trillanes IV
By Drew Nacino |With Report from Cely Bueno