Kinumpirma ni Senator Antonio Trillanes IV ang pakikipagpulong nito sa mga matataas na opisyal ng gobyerno ng Estados Unidos.
Gayunman, pinabulaanan ni Trillanes ang balitang hinaharang niya ang pagbisita sa bansa ni US President Donald Trump.
Binigyang diin ni Trillanes na nakaplano na ang mga biyahe ni Trump at hindi aniya ito basta mababago sa pamamagitan lamang ng suhestyon mula aniya sa isang senador ng Pilipinas.
Iginiit pa ni Trillanes na hindi basta-basta maloloko ang Amerika lalo’t alam ng naturang bansa ang mga nangyayari sa Pilipinas.
(Ulat ni Cely Bueno)