Sa Korte ka magpaliwanag!
Ito ang buwelta ni Senador Antonio Trillanes sa blogger na si RJ Nieto o mas kilala bilang Thinking Pinoy, na tinawag siyang ignorante sa batas matapos magpahayag ang senador na kakasuhan ng libelo si Nieto.
Ayon kay Trillanes, posibleng sa susunod na linggo ay matapos na nila ang reklamo at maisampa na kasong libelo laban kay Nieto.
Matatandaang nag-ugat ito sa pagpapakalat umano ni Nieto ng fake news makaraang sabihin ng Pinoy blogger na tinawag na “Little Narco” ni US President Donald Trump si Trillanes.