Inusisa ni Senador Antonio Trillanes IV si Justice Secretary Vitaliano Aguirre kung bakit kailangang salakayin ang Fontana Leisure Park and Casino sa Clark, Pampanga.
Sa pagdinig ng senado, sinabi ni Aguirre na nakatanggap sila ng sulat na naglalaman na mayroong iligal na aktibidad sa Fontana.
Dahil dito, agad na nagsagawa ng joint operation ang Department of Justice o DOJ Cybercrime Group at ang Fugitive Search Unit ng Bureau of Immigration o BI.
PAKINGGAN: Bahagi ng pagdinig ng senado hinggil sa bribery scandal sa Bureau of Immigration
Samantala, inihirit ni Trillanes na i-subpoena ang DOJ memorandum circular na may petsang November 11, 2016 patungkol sa online gambling visa.
PAKINGGAN: Bahagi ng pagdinig ng senado hinggil sa bribery scandal sa Bureau of Immigration
vc: hearing 2
By Meann Tanbio