Tinawag na praning ni Senador Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay kaugnay aniya ng pagpapalutang ng administrasyon ng umano’y planong destabilisasyon laban sa Pangulo.
Muling nilinaw ni Trillanes na hindi siya nagre-recruit sa hanay ng militar at hindi rin siya ang nasa likod ng balak na kudeta sa administrasyong Duterte.
Binigyang diin ng senador na hindi ito ang panahon ng pagkakawatak-watak.
Sa huli, sinabi ni Trillanes na papasok lamang ang militar kung may kalokohan aniyang gagawin ang Pangulo gaya ng pagpapatupad ng pagsupil sa Korte Suprema at Kongreso.
—-