Itinanggi ni Senador Antonio Trillanes IV na siya ang magiging running mate ni Senadora Miriam Defensor Santiago na nagdeklara na ng kanyang pagtakbo sa pagka-Pangulo sa 2016 elections.
Nilinaw ni Trillanes na malabong mangyari ito lalo pa’t personal na niyang ininderso bilang kanyang presidential bet si Senadora Grace Poe.
Sinabi ni Trillanes na hindi na magbabago at mababali ang pag-endorso kay Poe.
Hula ni Trillanes, si Senador Bongbong Marcos ang posibleng ipinahihiwatig ni Santiago na kanyang makakatambal para sa halalan sa susunod na taon.
By Ralph Obina