Itinuro ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre si Senador Antonio Trillanes na protektor ni Edgar Matobato, ang nagpakilalang dating miyembro ng Davao Death Squad na tumestigo sa Senado.
Ayon kay Aguirre, ito ang nabuo nilang konklusyon matapos makita si Matobato na sumakay sa sasakyang pag-aari ni Trillanes.
Matatandaan na, namagitan si Trillanes matapos halos walang maisagot si matobato habang tinatanong ni Senador Alan Cayetano kung sino ang humikayat sa kanyang tumestigo sa Senado hinggil sa extrajudicial killings sa Davao City.
Samantala, diretsahan nang sinabi ni Aguirre na walang pag-asang mabigyan ng judicial immunity si Matobato na isinusulong naman ni Trillanes.
Bahagi ng pahayag ni DOJ Secretray Vitaliano Aguirre
Judicial immunity
Kumbinsido naman si Senador Antonio Trillanes sa kredibilidad ni Edgar Matobato, ang nagpakilalang dating miyembro ng Davao Death Squad o DDS na tumestigo sa Senado.
Taliwas ito sa konklusyon ni Senador Panfilo Lacson na hindi kapani-paniwala ang mga ibinunyag ni Matobato dahil maraming hindi tumutugma sa mga pahayag nIya lalo na sa lugar at sa petsa.
Ayon kay Trillanes, marami sa mga naibunyag ni Matobato ang dokumentado nang totoo.
Bahagi ng pahayag ni Senator Antonio Trillanes
Kasabay nito, sinabi ni Trillanes na desidido siyang isulong pa rin ang judicial immunity para kay Matobato bagamat duda siyang lulusot ito sa Department of Justice (DOJ).
Sa ngayon anya ay gumagawa na siya ng paraan upang protektahan ang buhay ni Matobato matapos tumanggi si Senate President Koko Pimentel na ilagay ito sa kustodiya ng Senado.
Bahagi ng pahayag ni Senator Antonio Trillanes
By Len Aguirre | Ratsada Balita | Balitang Todong Lakas