Magsasagawa ng caucus ang mayorya ng mga Senador upang pag-usapan ang ihahaing ethics complaint ni Senador Richard Gordon laban kay Senador Antonio Trillanes IV.
Ito’y matapos ang naging talakan nila Gordon at Trillanes sa pagdinig ng senate blue ribbon committee kaugnay sa shabu shipment sa Bureau of Customs nuong isang linggo.
Pero ayon kay Senate Majority Leader Vicente Tito Sotto, malinaw naman ang komposisyon ng senado gayundin ang iba-ibang istilo ng mga namumuno rito kaya’t hindi na mababago iyon.
Gayunman, bukas naman si Sotto sa panukala ni Trillanes na tanggalin bilang Chairman ng komite si Godron basta’t makakukuha ito ng 13 boto mula sa kanilang mga kasamahan.
By: Jaymark Dagala
SMW: RPE