Maaari pa ring magpasaklolo si Senador Antonio Trillanes IV sa Supreme Court (SC) kaugnay sa pagpapawalang bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang amnesty.
Ito ang inihayag ng election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal makaraang arestuhin ang senador na kalauna’y nakapag-piyansa ng P200,000 sa kasong rebelyon.
Ayon kay Macalintal, maaaring maghain muli si Trillanes ng petisyon upang humiling ng temporary restraining order (TRO) sa SC at kuwestyunin kung maaaring i-revoke ng pangulo ang amnesty nang walang pag sang-ayon ng Kongreso.
Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang revocationas iginawad na amnestiya sa mambabatas sa pamamagitan ng Proclamation 572 noong Agosto 30.
Setyembre 6 naman nang maghain ng petisyon si Trillanes sa SC upang ideklarang labag sa batas ang nabanggit na kautusan subalit ibinasura noong Setyembre 11.