Kumbinsido si Senador Richard Gordon na may ibang motibo si Senador Antonio Trillanes kayat gusto niyang hawakan ang imbestigasyon sa bribery scandal sa Bureau of Immigration.
Ayon kay Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, dalawang scenario ang nakikita niya sa plano ni Trillanes.
Una rito ay nais nitong matiyak na mapupunta sa isang ‘friendly’ committee ang imbestigasyon o kaya naman ay gamitin ang imbestigasyon para atakihin ang administrasyon.
Bahagi ng pahayag ni Senador Richard Gordon
Una nang iginiit ni Trillanes na dapat ang Senate Committee on Civil Service na kanyang pinamumunuan ang mag-imbestiga sa bribery scandal dahil baka magkaroon lang ng ‘whitewash’ kung mapupunta ito sa ibang komite.
Naging ugat rin ang pahayag na ito ni Trillanes sa muntik na nilang suntukan ni Senador Juan Miguel Zubiri.
By Len Aguirre | Credit to: Karambola (Interview)