Humingi na ng paumanhin kay Senador Alan Peter Cayetano ang kapwa senador na si Antonio Trillanes IV.
Ito ay matapos i-turn off o patayin ni Trillanes ang mikropono ni Cayetano sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights sa isyu ng DDS o Davao Death Squad.
Sinabi ni Trillanes na nadala lamang siya ng kanyang emosyon kayat nagawang patayin ang mikropono ni Cayetano habang kinukuwestyon nito ang kredibilidad nang lumantad na testigo sa DDS na si Edgar Matobato.
Batid aniya niyang mali ito at tinitiyak sa kapwa senador na hindi na ito mauulit.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)