Nagbanta si Senador Antonio Trillanes IV na kikilos siya para patalsikin si Senador Koko Pimentel bilang Senate President kapag hindi nito pinalitan si Senador Richard Gordon sa pagiging pinuno ng Blue Ribbon Committee.
Ayon kay Trillanes, nawala na ang independence o kalayaan ng kapulungan dahil sa pagiging mahina ng liderato ng Senado.
Isang indikasyon aniya rito ay pamumuno pa rin ni Gordon sa Blue Ribbon na nagiging taga-abswelto at protektor ng Pangulo at pamilya nito laban sa mga isyu.
Sinabi pa ni Trillanes na “passive ang pamumuno ni Pimentel dahil hindi ito kumilos sa mga dapat nitong panghimasukan na usapin tulad na lamang ng pagkakaroon ng pagtatalo-talo ng mga senador dahil sa isang kumalat na blog sa social media.
Samantala, sinabi naman ni pimentel na maaaring gawin ni Trillanes kung anuman ang mga plano nito bilang pagiging malayang bansa.
—-