Humarap sa pagdinig ng Department of Justice (DOJ) si Senador Antonio Trillanes kaugnay sa kasong libel na isinampa laban sa kaniya.
Ayon kay Atty. Claro Certeza, abogado ni Binay, nilagdaan lamang ni Trillanes ang kontra salaysay nito sa harap ng piskaliya kung saan humiling naman sila ng 15 araw para sagutin ito.
Sa panayam ng DWIZ, sinagot ni Certeza ang pahayag ng Senador na ginagawa lamang nito ang kaniyang trabaho na imbestigahan ang mga katiwaliang kinasasangkutan ng Bise Presidente.
Ngunit ayon kay Certeza, malinaw na pinepersonal lamang umano ni Trillanes ang Pangalawang Pangulo ng bansa.
“Ang parte ng trabaho ng isang senador ay gumawa ng batas at hindi mag-imbestiga at maghusga, ito ang ginagawa niya kay VP Binay at sa pamilya nito at sinasabi natin hindi niya trabaho ‘yun, trabaho ‘yan ng Ombudsman at husgado.” Ani Certeza.
By Jaymark Dagala | Bert Mozo (Patrol 3)