Nagpaabot ng pagbati kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte si Senador Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Trillanes, kinikilala at nirerespeto niya ang kagustuhan ng nakararaming Pilipino na si Duterte ang maging susunod na pangulo ng bansa.
Tiniyak ni Trillanes na hindi siya magiging hadlang kay Duterte at sa sambayanang Pilipino sa mga repormang nais ipatupad ng susunod na pangulo ng bansa.
Matatandaang si Trillanes ang nagsiwalat sa umanoy milyong milyong pisong bank accounts ni Duterte.
Cayetano
Samantala, hindi pa man natatapos ang bilangan ng boto, nagpaabot na ng pagbati si vice presidential candidate Alan Peter Cayetano sa sinumang mananalo sa pagka-bise presidente.
Ayon kay Cayetano bagamat malabo pa man kung sino kina Senador Bongbong Marcos at Camarines Sur Representative Leni Robredo ang mananalo ay nais na aniya niyang i-congratulate ang sinumang mananalo sa dalawa.
Sinabi ni Cayetano na bahagi ito ng demokrasya.
Batay sa bilangan ng boto, pumapangatlo si Cayetano sa pagka-bise presidente.
By Ralph Obina