Itinuturing na milestone ni Senador Antonio Trillanes IV ang panayam sa kaniya ni BBC Anchor Stephen Sackur sa programang HARDtalk.
Paliwanag sa DWIZ ni Trillanes, kaya siya kinuha ng programa ay dahil sa walang taga-administrasyon ang nais humarap para sa panayam.
Giit ni Trillanes, bahagi ng programa ang mga naging pagtatanong sa kaniya ni Sucker bilang taga-oposisyon kaya’t natural lamang na pumanig ito sa kabila para maging balanse ang panayam.
“It’s one of my progress sa buong net, may political kami kasi, kung baga nalipasan ko itong, it is one of the difficult programs na magi-guest ka.”
“Eh kung mas magaling sila Duterte, oh di sige nga, i-call nga nila yun, tingnan natin o kung sino man na nagsasabi na magaling sila, mas magaling sila”
Gayunman, nagpasalamat na rin si Trillanes sa mga tinawag niyang Duterte-trolls na nagpasikat pa lalo sa kaniya.
Magugunitang inulan ng mga batikos at panlilibak mula sa kaniyang mga basher si Trillanes dahil sa umano’y sablay na pagsagot nito.
Nanawagan din si Trillanes sa publiko na panoorin ang kabuuan ng panayam upang maliwanagan sa kaniyang mga naging kasagutan.
“In fact, nagpapasalamat ako dun sa mga Duterte – trolls kasi ni-raise nila yung awareness doon sa interview.”
“Kasi kung pinost lang naming yun, di gaanong magiging interesado, pero alam niyo ang feedback sa akin ng aking staff na talaga putok na putok siya sa takilya eh.”
“Yung mga feedback is sinasabi nila na ‘wala naman palang masama doon sa sinabi eh”
By Jaymark Dagala | Usapang Senado Program (Interview)