Agad naglagak ng piyansa si dating senador Antonio Trillanes sa Quezon City Metropolitan Trial Court pagdating nito sa bansa.
Sampunglibong piso (P10,000) ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya ni Trillanes na nahaharap sa kasong conspiracy to commit sedition kasama ang sampung iba pa.
Nauna nang nagpiyansa ang mga kasamang akusado ni Trillanes kabilang si Peter Jomel Advincula at sina fathers Flaviano Villanueva at Albert Alejo.
Nasa ibang bansa si Trillanes nang ilabas ang warrant of arrest laban sa kanya.
Batay sa akusasyon, nakipagsabwatan di umano si Trillanes para sa produksyon ng mga “Ang Totoong Narco List” videos kung saan inaakusahan ni alyas “Bikoy” ang Pamilya Duterte na sangkot sa illegal drugs.