Pinagpapaliwanag na ng Court of Appeals (CA) si Senador Antonio Trillanes kung bakit hindi ito dapat i-cite for contempt , matapos akusahang tumanggap ng suhol ang dalawa sa mga mahistrado ng CA upang maglabas ng paborableng desisyon laban sa suspension order kay Makati Mayor Junjun Binay.
Sa dalawang pahinang resolusyon, binigyan ng special 11th Division ng Appellate Court si Trillanes ng 10 araw upang maghain ng komento habang mayroong 5 araw ang kampo ni Binay mag-reply kung nais nito.
Ang contempt case ay inihain ni Mayor Binay laban sa senador dahil hindi lamang ang mga mahistrado ng 6th Division ang nalalagay sa kontrobersya kundi maging ang buong CA.
Magugunitang isiniwalat ni Trillanes na tumanggap umano ng tig-P25 million pesos sina CA Justices Jose Reyes Junior at Francisco Acosta kapalit ng pag-issue ng Temporary Restraining Order (TRO) at writ of preliminary injunction laban sa suspension order ng Ombudsman sa alkalde.
By Drew Nacino