Isinuko na sa Philippine National Police (PNP) ni Senador Antonio Trillanes IV ang self-confessed Davao Death Squad (DDS) member na si Edgar Matobato.
Si Matobato ay may warrant of arrest dahil sa kaso nitong illegal possession of firearms sa Davao City noong 2014.
Unang dinala si Matobato sa tanggapan ni PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa ngunit nagkataong wala doon ang hepe ng Pambansang Pulisya.
Dahil dito dinala si Matobato sa Criminal Investigation and Detection Group kung saan ay dumaan ito sa booking process.
Ayon kay Trillanes, ang kustodiya ng PNP kay Matobato ay pansamantala lamang.
Bahagi ng pahayag ni Senator Antonio Trillanes
Tiniyak naman ni PNP Chief Dela Rosa ang seguridad ni Matobato.
Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Ronald dela Rosa
(Mugshot ni Edgar Matobata matapos iturn-over sa kustodiya ng PNP sa Camp Crame / Photo from: Jonathan Andal)
Samantala, ipinauubaya na ni Edgar Matobato sa Panginoong Diyos ang kanyang buhay.
Ito ay matapos i-turn over ni Senador Antonio Trillanes si Matobato sa PNP.
Sinabi ni Matobato na wala na siyang magagawa kung anuman ang mangyari sa kaniya basta’t naitama aniya niya ang kanyang pagkakamali.
By Ralph Obina | Judith Larino