Ikinatuwa ni Senador Antonio Trillanes IV na sumusulong na ang multiple criminal case ni isinampa ni self-confess hitman Edgar Matobato sa Office of the Ombudsman.
Ayon kay Trillanes, patunay aniya ito na hindi totoo ang konklusyon ni Senador Richard Gordon na hindi kapani-paniwala at mapagkakatiwalang testigo si Matobato.
Bagama’t ikinalulungkot ni Trillanes na hindi napasama sa mga respondents si Pangulong Rodrigo Duterte pero mabuti aniyang inaksyunan na ng Ombudsman ang kaso kung saan tapos na ang fact finding at isasailalim na sa preliminary investigation
Unang-una, I welcome that development kahit papaano ay umusad ‘yung kaso na ifinile nina Edgar Matobato at sampal ito sa mukha ni Senator Gordon, sinasabi niya hindi raw pwede doon.
Ang masaklap, unfortunate, hindi nga kasama si [Pangulong] Duterte pero sa’kin okay na rin ‘yan.