Sinang-ayunan ni Senador Antonio Trillanes IV ang pahayag ni UN High Commissioner for Human Rights Zeid Ra’ad Al Hussein na kailangan nang magpa-psychiatric evaluation ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Trillanes, hindi mula sa isang may normal na pag-iisip ang brutal at magkakasalungat na paraan ng pamumuno ni Pangulong Duterte.
Gayundin, aniya ang walang puso, baluktot at bastos na mga pahayag ng Pangulo na palatandaan ng isang matinding sakit sa pag-iisip.
Iginiit pa ni Trillanes na kinakailangang sumailalim sa psychiatric evaluation ng Pangulo para na rin sa kaligtasan at kapakanan ng sambayanang Pilipino na nasa ilalim ng kanyang pamumuno.
—-