Binanatan ni Senador Antonio Trillanes si Senator Alan Peter Cayetano at sinabing siya ang isusunod kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Tugon ito ni Trillanes sa pagkuwestyon ni Cayetano sa kanyang mga umanoy expose laban sa Pangulo.
“Ayaw ko ngang malihis pero ito na lang sakin si Senator Cayetano antay ka lang at pagkatapos ni President Duterte kung gusto mo ikaw ang isunod pwede kasi marami-rami rin tayong hawak diyan sa Taguig, so antay lang siya pero saka na yan, di ko muna siya papansinin naka diretso tayo kay, naka-focus tayo kay President Duterte”, pahayag ni Sen. Trillanes sa panayam ng programang ‘Usapang Senado’ sa DWIZ.
Dagdag pa ni Trillanes sa ngayon hindi nararapat na bigyang atensyon si Cayetano dahil may mas malaki umanong laban na dapat tutukan.
“He is not kung baga worth the attention at this time kasi may mas malaking laban dito”, ani Trillanes.
Sinabi ni Trillanes na matagal na niyang isiniwalat ang tagong yaman ng Pangulo at natabunan lamang ito ng usapin sa oplan tokhang.
By Katrina Valle / Race Perez
Credits: ‘Usapang Senado’ programa sa DWIZ kasama si Cely Bueno mapapakinggan tuwing Sabado mula 3:00 PM hanggang 4:00 PM