One hundred (100) percent nang sigurado na tatakbo sa pagka-Bise Presidente si Senador Antonio Trillanes.
Ayon kay Trillanes, desidido na siyang tumakbo sa nasabing posisyon anuman ang maging pasya ng kanilang partido na NP o Nacionalista Party.
Kahit na aniya, tumakbo rin sa pagka-bise ang iba nilang ka-partido, wala nang atrasan ang kanyang pagsabak sa vice presidential race.
May alok umanong natatanggap mula sa ibang partido si Trillanes ngunit inire-refer niya ang mga iyon sa NP.
Samantala, wala pang napagkakasunduan si Trillanes at ang kanyang partido kung kanino ito tatakbo bilang Bise Presidente.
By Avee Devierte | Cely Bueno (Patrol 19)