Naniniwala si Senador Antonio Trillanes na gagamitin lamang ng gobyerno si Pork Barrel Queen Janet Lim-Napoles laban sa mga miyembro ng oposisyon.
Kasunod ito ng pahayag ni Department of Justice o DOJ Secretary Vitaliano Aguirre na pinag-aaralan nang kuning state witness si Napoles dahil sa mga nalalaman nito.
Ayon kay Trillanes, hindi malayong maging scripted na naman ang gagawing imbestigasyon ng Department of Justice kay Napoles tulad ng ginawa sa mga Bilibid convicts na ginamit naman kay Senador Leila De Lima.
Umaasa naman si Trillanes na hindi magbubulagbulagan ang taumabayan sa ginagawang pang ha – harass ng DOJ sa mga sumasalungat at kritiko ng administrasyon.
Ombudsman Special Prosecutors hindi payag sa plano ng kampo ni Napoles na ilipat ito sa kutodiya ng NBI
Hindi papayag ang Ombudsman Special Prosecutors sa plano ng kampo ni Pork Barrel Queen Janet Lim-Napoles na ilipat ito sa NBI detention facility.
Ayon sa Prosekusyon, haharangin nila sa Sandiganbayan ang hirit ni Napoles na mailipat mula sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.
Iginiit nitong dapat sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City maipit si napoles tulad ng dating commitment order na inilabas ng Korte bago pa ito nahatulan sa Makati RTC.
Una nang tinukoy ni Atty. Stephen David, abogado ni Napoles, na matindi ang banta ng seguridad sa kanyang kliyente kaya hindi ito maaaring isama sa iba pang bilanggo sa Camp Bagong Diwa.
By Rianne Briones