Kinontra ni Senador Antonio Trillanes IV ang mga gustong magpa-inhibit kay Senador Grace Poe sa muling pagbubukas ng imbestigasyon sa Mamasapano incident.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Trillanes na walang basehan para hindi lumahok si Poe dahil maayos at naging patas naman ito nuong unang imbestigahan ng kanyang komite ang Mamasapano incident.
“Kasi the first time naman na ki-nonduct ito, nakita naman natin yung kanyang neutrality, objectivity tsaka fairness sa pag-handle ng hearing so I believe wala namang ganung basis, tignan na lang natin, bantayan natin.” Pahayag ni Trillanes.
By Len Aguirre | Ratsada Balita