Binatikos ng isang boksingero at isang boxing trainer ang naka-kasang Pacquiao-Bradley fight sa Abril 9 na gaganapin sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Halos magmura si WBA World Super Lightweight Champion Adrien Broner sa kanyang mensahe.
Iginiit ni Broner na niloko siya at pinasakay ni Top Rank CEO Bob Arum na posible raw siyang mapiling opponent ni People’s Champ Manny Pacquiao.
Bwelta naman ni Arum, hindi kikita sa pay-per-view kung si Broner ang pinili dahil hindi naman ito sikat.
Isa rin sa umalma sa Pacquiao-Bradley fight ang kilalang trainer na si Joel Diaz.
Naniniwala si Diaz na ayaw nang mapanood ng mga boxing fans ang trilogy fight sa pagitan nina Pacquiao at American boxer Timothy Bradley dahil wala naman aniyang “clamor” sa naturang laban.
Si Diaz ay dating trainer ni Bradley na pinalitan na ngayon ni Teddy Atlas.
By: Meann Tanbio