Isinusulong sa kamara ang isang panukalang batas na naglalayong gawing triple ang makukuhang insurance ng mga manggagawang matatanggal sa trabaho mula sa Social Security System (SSS).
Sa inihaing house bill 8594 ni Surigao Del Sur Representative Johnny Pimentel, maaaring makakuha ng unemployment benefits na katumbas ng 50% ng buwanang sahod ng hanggang anim na buwan ng mga empleyadong mawawalan ng trabaho.
Ayon kay Pimentel, sa pamamagitan ng kanyang inihaing panukala may mabibigyan ng malawak na kahulugan ang social security.
Maipatutupad din aniya nito ang mandato sa ilalim ng 1987 constitution kung saan kinakailangang maibigay ng estado o pamahalaan ang buong proteksyon sa paggawa.
sa kasalukuyan, katumbas lamang ng 50% ng buwanang sahod ng hindi hihigit sa dalawang buwan ang maaaring makuhang benepisyo ng mga manggagawang nawalan ng trabaho.