Pumayag nang lumagda sa 5-taong kontrata na nagkakahalaga ng 82 milyong dolyar sa Cleveland Cavaliers si Tristan Thompson.
Sinasabing nabuo ang kasunduan, anim na araw lamang bago ang labanang Cavaliers kontra Chicago sa bagong yugto ng NBA.
Dahil dito, lalabas na ang Cleveland may pinamakataas na payroll sa NBA sa mga panahong ito.
Una rito, tinanggihan ni Thompson ang pagpapalawig sa kanyang kontrata ng apat na taon sa halagang mahigit 50 milyong dolyar.
Kasabay nito ay nagpakita sya ng galing noong nakaraang NBA season na naging susi upang hatagan siya ng Cleveland ng mas mahaba subalit mas mataas na kontrata.
By Len Aguirre