Kinumpirma ng Malakanyang na nagbitiw na sa pwesto si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles dahil sa mga rasong medikal.
Ayon kina Executive Secretary Lucas Bersamin at gayundin Kay Senior Deputy Executive Secretary Huebert Guevarra, kinumpirma ng mga ito na ngayong araw nagsumite ng kanyang resignation letter si Secretary Angeles.
Sinabi pa ni Guevarra, naghahanap sila ngayon ng magiging kapalit sa pwesto ni Angeles at nasa proseso sila nang pagtulong sa tanggapan para matugunan itong pagbibitiw sa pwesto ni Angeles.