Naghain ng temporary restraining order (TRO) sa Pasig City Regional Trial Court Branch 157 ang Manila Electric Company (MERALCO) laban sa implementing rules sa Retail Competition and Open Access o RCOA na inilabas ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC).
Partikular na tinukoy ng MERALCO ang implementasyon ng Sections 2 at 3 ng ERC Resolution 5, Article 1, Resolution 10 at 11.
Nakasaad sa circular ng DOE na ang full implementation ng RCOA, na sumasaklaw sa mga consumer na may 1 megawatt consumption o higit ay magpapahintulot sa kanila na pumili ng power supplier.
Ipinunto ng power distributor ang rules para sa pagbibigay ng lisensya sa retail electricity suppliers sa resolution 5 habang nakasaad sa resolution 10 ang revised rules for contestability at restriksyon para sa distribution utilities sa resolution 11.
Hiniling din ng MERALCO sa korte na ideklarang null and void ang mga nasabing polisiya dahil nilalabag ng mga ito ang mga probisyon sa electric power industry and reform act o EPIRA at implementing rules and regulations ng RCOA.
Ipinaliwanag power distributor na layunin ng mga resolusyon na limitahan ang mga supplier sa pagkuha ng higit 30 percent ng total average monthly peak demand ng lahat ng contestable customers.
By Drew Nacino