Iaapela ng pamahalaan ang inilabas na temporary restraining order o TRO ng Quezon City Regional Trial Court.
May kaugnayan ito sa pagharang ng korte sa pagpoproseso sa rehistro ng transportation network vehicle tulad ng uber at grab taxi.
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Chairman Winston Ginez, agad silang nagpulong ni Transportation Secretary Jun Abaya sa harap ng Office of the Solicitor General para tignan ang mga ligal na remedy.
Muling paglilinaw ni Ginez, hindi mahihinto ang operasyon ng mga rehistrado nang uber at grab taxi kahit may TRO dahil hindi naman sila saklaw nito.
By Jaymark Dagala