Ipinawalang bisa ng Court of Appeals ang inilabas na TRO o Temporary Restraining Order na ipinalabas ng lower court.
Kaugnay ito sa pinasok na kontrata ng DOTR o Department of Transportation at LTO o Land Transportation Office sa kumpaniyang All Card Plastics.
Ang All Card Plastic ang siyang supplier ng mga plastic cards para sa driver’s license na nagkakahalaga ng mahigit 300 milyong Piso.
Batay sa labing tatlong (13) pahinang desisyong pinonente ni Associate Justice Renato Francisco, sinabi nilang hindi sakop ng Republic Act 8975 ang kontratang pinasok ng gubyerno sa nasabing kumpaniya.
Nakasaad din sa desisyon na walang kapanghyarihan ang mababang korte na harangin ang malalaking proyekto ng pamahalaan sa pamamagitan ng TRO.
Magugunitang naghain ng reklamo si Atty. Randy Bareng nuong taong 2015 sa korte sa paniniwalang tadtad ng anomalya ang nasabing kontrata.
By: Jaymark Dagala