Lalo lamang pinatatagal ng Court of Appeals ang paghihirap ni Pinay drug convict Mary Jane Veloso na kasalukuyang nahaharap sa death row sa Indonesia.
Ito ang reaksyon ni Balanga Bishop Ruperto Santos kasunod ng pagpigil ng Appellate Court sa desisyon ng Nueva Ecija Court na hingan ng deposition si Veloso sa inihaing petisyon ng mga itinuturong recruiter nito na sina Julius Lacanilao at Ma. Cristina sergio.
Ayon sa obispo, nakadidismaya ang naging hakbang na ito ng Appellate Court na magpalabas ng TRO o Temporary Restraining Order at maituturing iyong justice delayed gayundin ang pagbalewala sa kondisyon ni Veloso.
Hinihintay na lamang ng Indonesian Court ang desisyon ng Korte sa Pilipinas kaugnay sa kasong human trafficking na isinampa ng kampo ni Veloso para tuluyang mailigtas ito sa tiyak na pagbitay.
By: Jaymark Dagala