Tiyak na magagahol sa oras ang Commission on Elections (COMELEC) kaugnay sa paghahanda sa 2016 elections.
Ito ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez ay kung susundin ang temporary restraining order ng Korte Suprema sa no bio, no boto policy.
Sinabi ni Jimenez na kailangan nilang mag-adjust ng voting precints sa mga botanteng walang biometrics na aabot sa 2.5 million.
Dahil dito, inihayag ni Jimenez na apektado rin ang paggamit ng VCM o Vote Counting Machines dahil madadagdagan na ang gagamit sa mga makina.
Posible aniyang maging 1,000 mula sa target nilang 800 balota lamang na dadaan sa isang VCM, dahilan kaya’t babagal ang operasyon ng mga presinto.
By Judith Larino