Ibinasura ng CA o Court of Appeals ang hiling na Temporary Restraining Order o TRO ni suspended Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Jose Vicente Salazar.
Nabigo si Salazar na kumbinsihin ang appellate court na nalabag ang kanyang karapatan matapos siyang patawan ng 90 days preventive suspension ng Malakanyang.
Matatandaang, inireklamo si Salazar ng ilang empleyado ng ERC ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Electric Power Industry Reform Act 2001 sa Ombudsman.
Kaugnay sa mga kwestiyonableng utos nito sa renewal ng pitong power purchase agreement sa pagitan ng FDC Utilities Incorporated, Misamis and Various Utilities Company.
Gayundin, naging kontrobersyal si Salazar kasunod ng pagpapatiwakal ni ERC Director Francisco Villa Jr. dahil sa alegasyong pamimilit na aprubahan ang ilang kwestiyonableng kontrata ng komisyon.