Sa botong 12-3, pinagtibay ng Korte Suprema ang inisyung Temporary Restraining Order (TRO) sa pagpapawalang bisa ng COMELEC En Banc sa Certificate of Candidacy ni Senador Grace Poe.
Ibig sabihin, mananatili ang naunang TRO na inilabas ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno noong December 28 na pumipigil sa COMELEC na tanggalin ang pangalan ni Poe sa listahan ng mga tatakbong presidente.
Kabilang si dating Senador Francisco Tatad sa humiling sa High Tribunal na i-lift ang naturang TRO.
Samantala, itinakda sa Lunes, January 19, ang oral argument sa Supreme Court hingil sa nasabing mga isyu at isasabay na rin dito ang pagdinig sa naging petisyon ni Rizalito David na humihiling na baliktarin ang naunang desisyon ng Senate Electoral Tribunal pabor kay Poe.
By Meann Tanbio | Bert Mozo (Patrol 3)