Binigyang linaw ng korte ang nauna na nitong kautusan kaugnay sa operasyon ng Uber at Grab car.
Ayon sa Quezon City Regional Trial Court 217, ang 20-araw na Temporary Restraining Order ay para lamang sa mga approval at processing ng mga bagong aplikasyon ng permit to operate ng Uber at Grab car.
Ito lang anila ang sakop nito at hindi ang mismong operasyon ng mga sasakyan sa ilalim Transport Network Vehicle Service.
Ang naturang kautusan ay alinsunod na rin sa naging petition ng isang transport group kung saan kinuwestyon nito ang operasyon ng Uber at Grab taxi sa kabila ng kawalan ng certificate of public convenience.
By Rianne Briones