Nais paimbestigahan ni Senador Antonio Trillanes IV ang talamak na pagpapakalat ng mga mali at pekeng balita sa social media.
Sa inihaing Senate Resolution 259 ni Trillanes, hinimok nito ang Senate Committee on Public Information na tingnan at busisisiin ang aniya’y makabagong pamamaraan ng paninira sa isang tao.
Nais din ni Trillanes na makagawa ng batas upang papanagutin ang mga tinatawag na trolls o cyberwarriors sa social media na labis na nang-aabuso sa kanilang karapatang makapagpahayag.
Magugunitang naging mainit ang social media noong 2016 presidential elections kung saan, dito sinasabing naglabasan ang mga cyberbullies mula sa mga pekeng accounts.
By Jaymark Dagala